Saturday, March 28, 2015

Ang Pag-ibig ni Pepe sa Panahong Kasalukuyan

Ikalawang Yugto:


Hunyo.

Panahon ng bagong simula, panibagong school year, bagong kaibigan, bagong matututunan, pwede ding bagong crush. hehe

Grade 5 na ko, binata na ko! Yabang ko sa tatay ko habang papunta kami sa bago kong eskwelahan. Mejo natatakot lang ako dahil ibang iba to sa nakasanayan ko. Galing kasi akong private school pero kinailangan akong ilipat sa public dahil panahon ata ng recession nun. Akala ko magiging malungkot ako dito pero nagkamali ako.

Mas kwela ang mga tao sa public school. Mas maiingay. Yung pakiramdam na buhay na buhay ang pagkabata mo dahil lahat ng bata gusto maglaro sa arawan. Sa sobrang walang arte ng mga bata sa public, anjan yung mga amoy araw na, may lupa lupa sa damit, pero may nagiisang pumukaw ng atensyon ko. Isang batang babae, matangkad, maputi, maganda, ang puppy love ko - si Segunda.

No comments:

Post a Comment