Thursday, March 26, 2015

Ang Pag-ibig ni Pepe sa Panahong Kasalukuyan

Buwan ng Marso.

Buwan ng pagtatapos.

Pagtatapos ng school year, minsan ng pagkakaibigan, namumuong pagtitinginan, pag move-on. Pero ang pinaka mahalaga ay ang pag martsa sa araw ng graduation na nangangahulugang napagtagumpayan mo ang obligasyon mong mag-aral.

Naaalala ko pa nun, March din yun eh. Last day ng klase namin.

"Pepe, pwede ba kitang makausap", sabi ni Ana. Kaklase ko siya nung Grade 4. Bilang kaibigan ko si Ana, kinausap ko naman siya.

"May sasabihin sana ko sayo, pramis mo walang magbabago ah", sabi niya.

Syempre ano bang malay ko sa nangyayari kaya sabi ko "Oo naman!"

"Crush kasi kita eh" wika niya.

Laking gulat ko sa pag-amin na ginawa niya. Sabi ng nanay ko bawal pa daw ako magkacrush eh. Wala man lang akong nasagot sa kanya. Naiwan siya sa ere mag-isa.

"Oi Pepe! Tara na! Anjan na yung service natin!" tawag nung barkada ko.

Pero habang sa paglalakad ko, hinarang ako nung isa kong kaklase na si Fe.

"Pepe, crush kita. I love you. Anong sagot mo?"

Sa totoo lang, siya yung crush ko talaga eh. Kaya walang ano ano't sinabi ko din na gusto ko siya. Ok na sana, kaya lang paglingon ko, narinig pala ni Ana.

Umalis ng nakangiti si Fe habang naiwan namang umiiyak si Ana. Yun ang huling alaala ko sa kanilang dalawa. Kasabay natapos ng school year ang namumuong pagtitinginan namin ng crush ko. Lumipat na kasi ko ng eskwelahan pagkatapos nun.

No comments:

Post a Comment