Sa ilalim ng spot
light
Matapos kong hindi makapasa sa Art Club, hindi ako tumigil
sa paghanap ng ibang bagay na maaari at kaya kong gawin. Nanjan ung pagsubok ko
sumali sa Computer Club kahit MS Word at pag gawa ng Word Art lang ang alam ko.
Hindi din ako nagpapigil sa pagsali sa Science Club kahit anyong lupa at anyong
tubig sa HEKASI lang ang baon ko. Syempre High School, hindi na tayo bata, kaya
tama lang na tuklasin natin ang natatago nating potensyal.
Isang araw, habang nagtuturo ang guro naming si Ginoong
Damaso, may pumasok na matangkad na lalaki, akala ko nga nung una artista e,
bigla kasing nagtilian yung mga kaklase ko.
“Hello Guys, ako nga pala si Kiko, magkakaroon nga pala kami
ng audition para sa Mr. High School. Baka meron sa inyong gustong sumubok,
magkita kita lang tayo sa school grounds mamayang alas kwatro.”
“Tara punta tayo mamaya!” “Sige punta tayo mamaya!”
“Taraaaaa!” – sabay sabay na hiyawan ng mga kaklase kong babae.
Akala mo sila ang mga sasali e. hahaha
Humupa lang ang kaguluhan sa aming mumunting palengke
silid aralan nung umalis yung Kiko.
“Narinig niyo naman siguro ang paanyaya ni Kiko kanina.
Ngayon, gusto kong mayroon tayong maipapadala bilang representative ng ating
klase. Meron ba sa inyong mag vovolunteer?” wika ni Ginoong Damaso.
Kasunod ng pananahimik ng mga bibig ang palakas nang palakas
na kabog ng aming dibdib sa takot na mai-volunteer ni Ginoong Damaso.
PS: Ano nga ba ang volunteer? Kung tatanungin mo ang
diksyunaryo, ito yung mga tao na kusang iaalay ang sarili nila para gawin ang
isang bagay na nais nila. Bida kids kumbaga. Pero ibang usapan na pag naghanap
ng volunteer ang mga guro sa high school. Bakit? Dahil ang volunteer para
kanila ay ang mga estudyante na kusang matuturo ng mga daliri nila.
Nakatitig si Ginoong Damaso sa lahat ng kalalakihan sa aming
silid, animo’y nagmimini maynimo, at ang matuturo ang magiging volunteer ng
aming klase.
*mini mini maynimo*mini mini maynimo*
Pumikit pa si sir habang namimili, para daw may thrill.
“IKAW! IKAW ANG VOLUNTEER!” sigaw ni sir.
Nagulat ang buong klase sabay hanap kung saan nakaturo si
sir. Nagtaka ako kung bakit sa akin nakatingin ang buong klase habang
nagngingisian. Sa pag aakala na nasa likod ko ang napili, tumingin ako ngayon
sa aking likuran.
Sa aking pagharap, tumambad sa aking harapan ang puting
puting pader ng aming silid aralan. Wala nga palang tao sa aking likuran dahil
sa row 4 ako nakaupo. Patay na.
“Ok class, mayroon na tayong volunteer. Palakpakan natin ang
matapang na si Pepe!”
“Tumayo ka naman Pepe! Ipakita mo naman ang iyong
pasasalamat sa suporta ng iyong mga kamag-aral” pabirong sabi ni sir.
Tumayo naman ako bilang pag galang. Pero sa isip isip ko,
ang saya niyong lahat dahil hindi kayo ang naituro.
“Salamat sa pag-vovolunteer mo Pepe, galingan mo ah” wika ni
sir.
“Yes sir, I’ll do my best” napa English na lang ako sa
sobrang kaba.
At ayun na nga, dumating ang oras na alas-kwatro. Nagpunta
ako sa school grounds para sa audition. Dahil hindi naman ako pansinin sa
klase, wala akong kasama sa audition. Kahit pakitang peklat lang na mga
kamag-aral para suportahan ako kunwari e wala. Pero dahil napag tripan lang
naman ako ni titser, e sige na lang.
Lumapit ako sa lamesa upang magpalista.
“Anong pangalan mo kuya?” tanong ni ate na naglilista.
“Ah, ako nga po pala si Pepe. Pers-chir po.”
“Ok Pepe, pila ka na dun kasama nung ibang kasali. Tatawagin
namin kayo isa isa para rumampa” turo nung ate.
Naki linya ako sa mga kasali. Sa totoo lang, para akong
naliligaw na bata sa audition na yun. Ang tatangkad ng mga kasama ko,
matitipuno, at may kanya kanyang baon na fans club. Pati ata fans club ng
Kathniel at ni Enrique Gil e andun na eh.
Isa isang rumampa ang mga kasali. Bawat kaway ng mga kalahok
e siya namang tilian ng mga babaeng nanunuod at kanchaw ng mga meron.
Kabadong kabado ako habang hinihintay na tawagin ang
pangalan ko. Nag aaway ang mga tropa ko sa tiyan na para bang ngayon nila na
tripan lumabas isa isa. Nanlalamig ang mga palad ko. Gusto ko na tawagin lahat
ng santong kilala ko para ipagdasal na matapos na ang mga sandaling iyon.
Ngunit, nauna pang tawagin ang pangalan ko bago ako matawag ng santong tutulong
sa akin.
“Next contestant, Pepe!” sigaw nung emcee.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Bahala na.
Nag simula akong maglakad na parang wala lang. Yung lakad na
parang excited lumabas ng class room kasi recess na. Mejo mabilis pero hindi
halatang nagmamadali. Pag dating ko sa harap, sinabihan ako na gumawa ng pose.
Shet! Wala akong maisip! Kinain ko na lang lahat ng hiya na meron ako. Nag
posing ako gaya nung mga napapanuod ko sa Mr. Pogi sa tv.
*Turo dito*Papungay ng mata*Kindat*Repeat steps one, two,
three*
Natapos din ang audition ko. Yun na siguro ang
pinakamatinding kahihiyan na naexperience ko sa talambuhay ko bukod sa hindi
ko napigilan ang rebolusyon ng tiyan ko nung kinder! Ay secret lang pala yun.
“Maraming salamat sa lahat ng nag audition. Pupuntahan na
lang naming kayo sa mga classroom niyo pag nakapasa kayo para sa next
screening. Good luck sa lahat ng sumali” wika ni Kiko, bilang pag tapos sa
programa.
Habang pabalik sa classroom, hindi ko malaman kung bakit
nababagabag ako.
“Audition lang yun, wala naman mawawala sa akin. Ayaw ko
naman talaga nun.”
“Sana makapasok ako sa susunod na screening.”
“Sana hindi ako makapasa. Hassle eh. Nakakahiya.”
“Kung sakaling makapasok ako, baka naman para sa entablado
talaga ako?”
No comments:
Post a Comment