Sa
tanghalan, dun nga ba ako nabibilang?
Bagong umaga. Bagong simula.
“Ngayong araw na pala lalabas
ang resulta ng Mr. Highschool. Nakapasa kaya ako? Sana hindi ako makapasa. Ano
bang iniisip ko? Kung makapasok, eh di okay. Kung hindi, eh di okay lang din,
pero sana makapasok.haha”
Ang aga aga kung ano anong
pumapasok sa isip ko. Sabi ko nga kahapon, audition lang yun. Walang mawawala
sa akin. Ang mahalaga sinubukan.
Pag dating ko sa eskwelahan,
mukha namang normal lahat. Nandun pa din ung mga tambay na nagpapaunahan
maubusan ng baga, nagpapabilisan uminom ng RC na kung sinong maunang magkaroon
ng sakit sa sikmura eh talo.
“Kung hindi ako makakapasa sa audition, araw araw ay magiging normal na araw lang. Walang pinagkaiba sa
kahapon, sa ngayon, at sa kinabukasan. Magiging repeatitive ang buhay, na kahit
nakapikit ako pumasok eh magagawa ko pa din ang normal na routine. Ayoko ng
ganto.”
Law of attraction na ‘to.
“BRO, ipasa mo naman ako sa
audition kahit next screening lang please?”
Habang nagkaklase kami sa
English, biglang may kumatok sa pintuan. Yung mga taga audition, eto na, moment
of truth.
“Good morning ma’am, pwede po
ba namin i-excuse sandali si Pepe?” tanong nung ate na naglilista ng mga
pangalan kahapon.
“Can you say it in English
please?” hirit ni Mrs. Chan. *Familiar ba? Aminin niyo, lahat ng naging English
teacher niyo ayaw makipagusap ng Filipino. Haha*
“Can we excuse Pepe for a
minute or two?” patol naman ni ate sa trip ni Mrs. Chan.
“Actually, we’re having our
classes here. Since you interrupted my class already, why don’t you just enter
and tell us what’s going on? And in English please” sabi ni Mrs. Chan
*Infairness, ang taray ng datingan*
Sumunod naman si ate ng walang
pagaalinlangan.
“Good morning guys! I know
you’re all aware that we had an audition yesterday for this year’s Mr.
Highschool.” bungad ni ate.
Sa isip ko, eto na. Moment of
truth.
*drum rolls*
“We’re glad to tell you that
your classmate Pepe is one of the participants who will advance to the next
screening! Round of applause for Pepe please!” yaya ni ate sa mga kaklase.
Dahil hindi naman nga ako
pansinin sa classroom, walang pumalakpak. Yung tenga ko siguro pumalakpak sa
tuwa pero hindi ang mga kaklase ko.
“So Pepe, please meet us in
the auditorium at 2pm. Thanks” paalala ni ate.
Matapos ang “intermission”
number na yun sa klase ni Mrs. Chan, balik normal ang klase. Para bang wala
silang narinig na kahit anong may kinalaman sa audition at sa akin. Okay lang,
at least hindi ako mappressure. Tulad nga ng paulit ulit kong sinasabi,
audition lang yun. Walang mawawala dahil ang mahalaga sinubukan.
Pero sino nga bang magaakala
na dahil sa audition lang nay un e magsisimula pala na magbago ang lahat?
Dumating ang oras na alas dos.
Habang naglalakad ako papunta sa auditorium e nakasalubong ko si Ginoong
Damaso.
“Oh Pepe! Kamusta? Ano
nangyari sa audition? Nakapasa ka ba?” tanong ni Ginoong Damaso.
“Opo sir, chambang nakapasok.
Hehe”
“Osige, galingan mo. Pero
alisin mo yang mga kung ano ano sa kamay mo. Ang dumi mo tignan.”
Oo nga pala, nakalimutan kong
ikwento sa inyo na uso kasi ung “Buddha beads” nun eh. Yung bilog bilog na
beads na bracelet na gawa sa parang kahoy.
“Alisin mo yan at isuot mo
tong relo na ‘to para magmukha ka namang pormal kahit paano. Oh siya, balitaan
mo na lang ako. Good luck Pepe!”
Hindi ko alam kung anong
mararamdamdaman ko nung pinahiram ako ni Ginoong Damaso ng relo. Ang saya na
kahit paano e sinusuportahan pala niya ko, sa kabila nang pangttrip niya sa
akin. Pero ang lungkot, dahil sana yung tatay ko na lang yung gumawa nun para
sa akin.
Pag dating ko sa Auditorium,
nandun na lahat ng mga kalahok. Ako na lang pala ang kulang.
“Ok guys, kumpleto na pala
kayo. Start na tayo ha.” Sabi nung emcee.
Ang bilis ng pacing, walang
sabi sabi at panibagong rampa na naman. Pero sa pagkakataong ito, sa entablado
kami maglalakad - sa ilalim ng spot light.
Aaminin ko, mas nakakakaba ang
maglakad sa entablado. Ang hirap kumilos sa takot na isang maling galaw mo lang
eh kita na agad ng lahat ng manunuod. Masyadong mataas ang entablado para sa
ordinaryong bata na gaya ko. Pero, napakasarap sa pakiramdam ang tumayo sa
harap ng maraming tao na lahat ng atensyon nila ay nasayo. Para bang kahit
anong naisin ko ay magiging ako pag nakatayo ako sa entablado.
Eto na, ako na ang rarampa.
Kung kahapon, nagmukha akong payaso sa pag gaya ko sa mga Mr. Pogi sa TV,
ngayon, mas komportable na ako. Lumakad ako ng natural habang ang mga kamay
ko’y pa-sway sway pa. Pagdating sa harapan, umikot ako gaya nung mga ginagawa
ng totoong model. At syempre yung konting papungay ng mata na kunwari e may
hinahanap ka sa audience kahit nasisilaw lang naman talaga sa ilaw. Ganto
siguro yung pakiramdam ng mga taong tinatawag nila na para sa entablado.
Matapos rumampa ng huling
kalahok, oras na para kunin naman ni Kiko ang center stage upang i-deklara ang
mga uusad sa susunod na parte ng audition.
“Whew! Masyadong dikit ang laban
para sa top 10 spots ng Mr. Highschool. Ang hirap mag decide kung sino ang mga
makakasali sa event proper. Lahat kayo magagaling at deserving pero sampu lang
ang makukuha. Ang mga mag-aadvance para sa event proper ay sina...”
*Lub*dub*lub*dub*
Huwag na kayong umasa, hindi
ako nakapasok. Tulad nga ng sinasabi ko kanina pa, okay lang na hindi ako
makapasok basta ang mahalaga eh sinubukan ko. Maaaring hindi nga ako nakapasok
para sa Mr. Highschool, pero sa tingin ko ay nagbukas na ang pinto kung saan tinatawag
ang pangalan ko para mag tanghal.
No comments:
Post a Comment