Hindi ko alam kung anong nakain ko at naging papansin ako sa
kanya hanggang isang araw, sinabi ko na lang sa kanya na crush ko siya. Ang
hindi ko alam, e crush din niya ko. Jackpot! Ito na ata yung tinatawag nilang
girlfriend!
Dahil first time ko, ito na siguro ang pinaka exciting at
nakakakilig. Yung tipong magkadikit lang kamay niyo parang sasabog na yung
dibdib mo sa di malamang kadahilanan. Yung sa tuwing dadaan siya e mapapasulyap
ka talaga at mapapangiti (ikaw nang makasilay! :D)
Natuto ako magsulat ng love letter, mag dedicate ng kanta,
mag drawing, basta lahat ng pagpapaimpress na pwede kong gawin, ginawa ko na.
Iba yung kilig pag first time.
Nung minsan nagusap kami,
"Pepe, anong gusto mong tawagan natin?" tanong ni
Segunda.
Dahil first time namin to parehas, hindi ko alam para san yung
tawagan o term of endearment ika nga.
"Ikaw, ano ba ang gusto mo?" tanong kong pabalik
sa kanya.
"Alam mo ba yung Westlife? May bago silang kanta. Gusto
ko yung kanta na My Love." sabi
niya.
Kahit hindi ko kilala ang Westlife, pumayag na din ako.
Tawagin ka ba namang "Love" eh.
Simulan nun, naging mas masaya ang experience ko ng Puppy
Love. Tabi kami sa klase, sabay kumakain ng nutribun, sabay pipila para sa
soup, sabay pumapasok sa Art Club, at minsan palihim na naghoholding hands yung
mga kamay namin sa ilalim ng desk para di makita ni teacher. Pagsabay na lang
pauwi ang di namin magawa dahil sinusundo siya ng tita niya.
FLAMES. CAMEL. HOPE. Isa na ata to sa pinaka sikat na laro
na ginagawa ng mga estudyante pag wala ang kanilang guro. Nung minsan tnry
namin ni Segunda ang larong to. F for Friends, L for Love, M for Marriage, E
for Enemy, S for Sweetheart. Alam niyo ba kung ano ibig sabihin ng CAMEL at
HOPE? Hindi ko na kasi matandaan. hahaha
At ayun na nga, sinubukan namin ang laro. Kung gaano ako
kasaya nung mga panahon ng Puppy Love, dun naman ako nalungkot sa naging
resulta ng FLAMES namin. Nag susumigaw na E for ENEMY! Sinubukan ko i-FLAMES ng
paulit ulit baka sakaling iba ang lumabas. Pero wala, iba talaga magbiro ang
tadhana, natapos ang Puppy Love ko gaya ng isang kandila. Kung gaano kaganda
ang liyab nung simula, siya namang naupos na parang bula.
No comments:
Post a Comment