Tuesday, March 31, 2015

Ang Pag-ibig ni Pepe sa Panahong Kasalukuyan

Ikalimang Yugto.

Si Pepe sa piling ni Luna.

Lumipas ang mga araw sa aking unang taon sa mataas na paaralan. Sa kabila ng aking paghihirap sa mga klaseng akademiko, nakahanap ako ng oras upang tanungin ang sarili ko - ano pa bang kaya mo? Ano pa ba ang pwede mong gawin para tumagal sa eskwelahan na to?

Aaminin ko, hindi talaga ako mahusay pagdating sa mga bagay na kailangan mong pag-isipan ng matagal. Nakita niyo naman yun sa sinapit ko sa klaseng Algebra.

Dahil dun, sinubukan kong sumali sa iba't ibang club sa school. Merong English Club, Filipino Club, TLE Club, Science Club, Math Club, wala ba ditong Night Club Art Club?

Naglakad lakad ako paikot ng eskwelahan ng makita ko ang dati kong kamag-aral nung elementarya.
"Hoy Tiago! Anong ginagawa mo dito?" tawag ko sa dating kaklase.

"Uy Pepe, kamusta na? Sasali ka din ba sa Art Club?" tanong ni Tiago sa akin.

Sa totoo lang, nung elementary akala ko walang talent to si Tiago. Kaya laking gulat ko na sasali siya sa Art Club. Bilang marunong naman akong gumuhit, sumali na din ako. Pumila kami at nag fill up ng form para maging member ng samahan ng mga tropa ni Juan Luna.

Pag pasok namin ni Tiago sa silid, binigyan kami ng tagabantay ng tag-isang papel at lapis. Inatasan kaming gumuhit na sunod sa temang "Aralin ang kasaysayan tungo sa kaunlaran at pagkakaisa".

*guhit dito, guhit don*kulay dito,kulay don*

Natapos ko ang aking obra na pinapakita si Dr. Jose P. Rizal na pinapaligiran ng mga magkakahawak kamay na tao na sumisimbolo ng pagkakaisa. Nilagyan ko din ng mga gusali bilang background para sa kaunlaran. Akala ko ako na ang pinaka magaling pero hindi.

Palihim kong sinulyapan ang gawa ni Tiago - ang kaibigan na akala ko'y walang alam. Ang ganda ng obra niya, gumamit siya ng oil pastel na itim na may halong kulay orange. Akala mo larawan na nasa mga salamin ng simbahan ang gawa niya. Ganon ka detalyado, ganon kaganda. Parang sampal sa mukha niyang sinabi na "hindi na ako ang dating Tiago na kilala mo".

Sa mga sandalilng iyon, tila naguhitan ng galit na kidlat ang blangko kong pag-iisip.

"Ito na siguro yung sinasabi ng mga bidang mahihirap sa mga pelikula. Yung babangon ako at dudurugin kita."

"Oo Tiago, hindi ka lang bumangon, hindi mo lang ako dinurog, kinain mo ng buong buo ang kompiyansa ko sa sarili ko. Wag ka mag-alala, hindi ako nagagalit sayo bagkus, nais kong magpasalamat. Nang dahil sa sampal mo, natauhan ako na hindi sa lahat ng pagkakataon tayo ang nasa ibabaw."

Sabi nga ng mga magulang natin, hindi dapat tayo tumitigil sa pagsusumikap para maabot ang mga mithiin natin dahil ang buhay ay parang gulong; minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw.

Sa pagkakataong ito, tama nga ang sabi ng mga chismosa sa kanto namin.


"Daig ng masipag, ang magaling."

Monday, March 30, 2015

Ang Pag-ibig ni Pepe sa Panahong Kasalukuyan

Ikaapat na Yugto.

Mataas na Paaralan

Mataas na Paaralan. In English, High School. Korni noh? Siningit ko lang kasi wala akong maisip na intro.

Siguro kung ihahalintulad ko sa kanta ang buhay ko sa mataas na paaralan, tamang tama yung sikat na kanta ng Repablikan - yung High School Life.

"High school ko ay puno ng alaala na hindi malilimutan" sabi nga ng kanta.

Akala ko dati masaya na yung elementary na puno ng paglalaro sa ilalim ng nagngangalit na araw. Pero iba pala ang High School, mas intense. Pag tungtong ko pa lang sa gate ng eskwelahan, makikita mo na yung mga binata at dalagita na nakatambay sa mga bench. Merong nag yoyosi, umiinom ng RC, nag aabang ng chix, nagliligawan, at yung gusto lang talaga mag cutting. Sa isip ko, kung ganto lang din ang maging high school, di bale na lang.

Lumipas ang ilang araw, meron din naman palang matitinong tao sa mataas na paaralan. Sila yung mga nag aalmusal ng libro, nag tatanghalian ng algebra, at minemeryenda ang pangalan ng mga tao sa kasaysayan. Hindi naman sa pagmamayabang pero napabilang ako sa kanila, hindi ko din alam kung paano pero baka dahil nakachamba ako nung entrance exam.

Nasa unang taon pa lang ako ng high school pero ilang first na ang bumungad sa akin. Nanjan yung kakatapos lang ng recess tapos Algebra ang subject. Nagmumuni muni pa ang diwa ko dahil sa kabusugan ng biglang akong kinalabit ng katabi ko,

"Pepe, tawag ka.  Tawag ka ni Sir"

Akala ko naman may iuutos lang, kaya tumayo ako sabay sabing "Yes, sir?"

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong tinanong,

"Pepe, if x+y=5, where y is equals to 3, what is the value of x?"

Shet! Anong sinasabi ni sir? Anong x? Anong y? Kailan pa naging 5 ang x+y? Anong nangyayari dito? Ang dami kong tanong sa sarili ko, kulang na lang tanungin ko ang sarili ko kung anong ginagawa ko sa kinatatayuan ko. Nanlalamig ako na pinagpapawisan.

"Pepe, what's the value of x?" tanong ni sir.

"Ah, I don't know sir", patay na! Ano bang nagawa ko para tanungin ako ng ganon.

"Anyone who can help Pepe?" tanong ni sir sa klase.

Buti na lang may mga henyo akong kaklase na apo ni Einstein. Akala ko ligtas na. Pero tulad nga ng sabi ko, maraming first time sa high school. Tulad na lang ng biglang nagpaexam si sir ng tungkol sa x+y. Pero hindi si x or y ang hinahanap namin, kundi ang score ko na kasing perfect ng hugis ng zero.

Makailang ulit pa kaming nag exam sa Algebra at makailang ulit na din akong nakaka zero. Lalo pang nadagdagan ang pagdurusa ko nung may bagong pinakilala si sir sa amin.

"Ok class, I assume that you already know X and Y. So this time, let me introduce you to A and B."

Para akong napagsakluban ng langit at lupa. Gusto kong sumigaw at magmakaawa,

"Sino po ba si X at Y?! Hindi ko pa po sila lubusang nakikilala!"

Kaya lang, ganon talaga ang buhay ng tao. Hindi titigil ang oras at ang ibang tao para sayo. Matuto kang tumayo mag-isa. Aralin mo ang dapat matagal mo ng alam.

Sunday, March 29, 2015

Ang Pag-ibig ni Pepe sa Panahong Kasalukuyan

Ikatlong Yugto.

Hindi ko alam kung anong nakain ko at naging papansin ako sa kanya hanggang isang araw, sinabi ko na lang sa kanya na crush ko siya. Ang hindi ko alam, e crush din niya ko. Jackpot! Ito na ata yung tinatawag nilang girlfriend!

Dahil first time ko, ito na siguro ang pinaka exciting at nakakakilig. Yung tipong magkadikit lang kamay niyo parang sasabog na yung dibdib mo sa di malamang kadahilanan. Yung sa tuwing dadaan siya e mapapasulyap ka talaga at mapapangiti (ikaw nang makasilay! :D)

Natuto ako magsulat ng love letter, mag dedicate ng kanta, mag drawing, basta lahat ng pagpapaimpress na pwede kong gawin, ginawa ko na. Iba yung kilig pag first time.

Nung minsan nagusap kami,

"Pepe, anong gusto mong tawagan natin?" tanong ni Segunda.

Dahil first time namin to parehas, hindi ko alam para san yung tawagan o term of endearment ika nga.

"Ikaw, ano ba ang gusto mo?" tanong kong pabalik sa kanya.

"Alam mo ba yung Westlife? May bago silang kanta. Gusto ko yung kanta na My Love."  sabi niya.
Kahit hindi ko kilala ang Westlife, pumayag na din ako. Tawagin ka ba namang "Love" eh.

Simulan nun, naging mas masaya ang experience ko ng Puppy Love. Tabi kami sa klase, sabay kumakain ng nutribun, sabay pipila para sa soup, sabay pumapasok sa Art Club, at minsan palihim na naghoholding hands yung mga kamay namin sa ilalim ng desk para di makita ni teacher. Pagsabay na lang pauwi ang di namin magawa dahil sinusundo siya ng tita niya.

FLAMES. CAMEL. HOPE. Isa na ata to sa pinaka sikat na laro na ginagawa ng mga estudyante pag wala ang kanilang guro. Nung minsan tnry namin ni Segunda ang larong to. F for Friends, L for Love, M for Marriage, E for Enemy, S for Sweetheart. Alam niyo ba kung ano ibig sabihin ng CAMEL at HOPE? Hindi ko na kasi matandaan. hahaha


At ayun na nga, sinubukan namin ang laro. Kung gaano ako kasaya nung mga panahon ng Puppy Love, dun naman ako nalungkot sa naging resulta ng FLAMES namin. Nag susumigaw na E for ENEMY! Sinubukan ko i-FLAMES ng paulit ulit baka sakaling iba ang lumabas. Pero wala, iba talaga magbiro ang tadhana, natapos ang Puppy Love ko gaya ng isang kandila. Kung gaano kaganda ang liyab nung simula, siya namang naupos na parang bula.

Saturday, March 28, 2015

Ang Pag-ibig ni Pepe sa Panahong Kasalukuyan

Ikalawang Yugto:


Hunyo.

Panahon ng bagong simula, panibagong school year, bagong kaibigan, bagong matututunan, pwede ding bagong crush. hehe

Grade 5 na ko, binata na ko! Yabang ko sa tatay ko habang papunta kami sa bago kong eskwelahan. Mejo natatakot lang ako dahil ibang iba to sa nakasanayan ko. Galing kasi akong private school pero kinailangan akong ilipat sa public dahil panahon ata ng recession nun. Akala ko magiging malungkot ako dito pero nagkamali ako.

Mas kwela ang mga tao sa public school. Mas maiingay. Yung pakiramdam na buhay na buhay ang pagkabata mo dahil lahat ng bata gusto maglaro sa arawan. Sa sobrang walang arte ng mga bata sa public, anjan yung mga amoy araw na, may lupa lupa sa damit, pero may nagiisang pumukaw ng atensyon ko. Isang batang babae, matangkad, maputi, maganda, ang puppy love ko - si Segunda.

Thursday, March 26, 2015

Ang Pag-ibig ni Pepe sa Panahong Kasalukuyan

Buwan ng Marso.

Buwan ng pagtatapos.

Pagtatapos ng school year, minsan ng pagkakaibigan, namumuong pagtitinginan, pag move-on. Pero ang pinaka mahalaga ay ang pag martsa sa araw ng graduation na nangangahulugang napagtagumpayan mo ang obligasyon mong mag-aral.

Naaalala ko pa nun, March din yun eh. Last day ng klase namin.

"Pepe, pwede ba kitang makausap", sabi ni Ana. Kaklase ko siya nung Grade 4. Bilang kaibigan ko si Ana, kinausap ko naman siya.

"May sasabihin sana ko sayo, pramis mo walang magbabago ah", sabi niya.

Syempre ano bang malay ko sa nangyayari kaya sabi ko "Oo naman!"

"Crush kasi kita eh" wika niya.

Laking gulat ko sa pag-amin na ginawa niya. Sabi ng nanay ko bawal pa daw ako magkacrush eh. Wala man lang akong nasagot sa kanya. Naiwan siya sa ere mag-isa.

"Oi Pepe! Tara na! Anjan na yung service natin!" tawag nung barkada ko.

Pero habang sa paglalakad ko, hinarang ako nung isa kong kaklase na si Fe.

"Pepe, crush kita. I love you. Anong sagot mo?"

Sa totoo lang, siya yung crush ko talaga eh. Kaya walang ano ano't sinabi ko din na gusto ko siya. Ok na sana, kaya lang paglingon ko, narinig pala ni Ana.

Umalis ng nakangiti si Fe habang naiwan namang umiiyak si Ana. Yun ang huling alaala ko sa kanilang dalawa. Kasabay natapos ng school year ang namumuong pagtitinginan namin ng crush ko. Lumipat na kasi ko ng eskwelahan pagkatapos nun.

Tuesday, March 24, 2015

원더풀 라디오

Wonderful Radio presents ZOO

Couple of days ago, I was searching for a movie which will be worth my time. As I was browsing through our company pc, I bumped into a Korean movie entitled “Love on Air”. Thought it was a typical Korean story, but I got more than what I was looking for.

Love on Air – a story of a former Korean girl group leader turned into a radio disk jock aka DJ.
Well, I’m not here to discuss or give a review bout the movie. I’m here to share this song from ZOO entitled “Sa rang ha get suh”.



If there’s a part of the movie which I really love, it’s not probably the whole movie but the segment of actress Lee Min Jung. Her segment invites ordinary people to tell their story and sang a song of their life.

The song “Sa rang ha get suh” was sung by a taxi driver whose story is very heart warming. He had a letter which he hasn’t given a chance to give to his wife. His wife died due to cancer and now he’s facing to a similar situation but this time, his daughter. He wanted to tell his wife that he loves him very much as well as her daughter. He asked over the air if his wife can let their daughter live, so he begs her not to get their only daughter.

Anyway, I may not understand the lyrics of this song but the emotion embedded on this will surely capture everyone’s heart.

10 Secrets About Men

As I was writing this article, I am still wondering what secret a man has which every woman should know. Really, I don’t have any idea on what to write.

As I was browsing the internet, a website catches my attention. This site is not merely on what you search is what you get. This site, The Chick Times features articles which some came from books. I had a chance to glimpse on an article entitled 10 Secrets about Men you didn’t know.

Let me share to you the secrets which I found true based on my experience. Who knows, it’s also true to you? Also, allow me to explain these secrets for you. So let me start with:

• Men want commitment, too. Sounds awkward right? What we think about most men are players, womanizers and the like. Girls believed that men cannot stick on one relationship for a long time. Believe it or not, men also like commitments especially to the one they really love. However, even though how much they like it, men are still men. They are having a hard time on showing what they really feel.

• Men fear rejection, too. We know for a fact that men always want to look tough in front of the girl they like. What we didn’t know is, behind those tough looking front, men are softies inside. They are hurt even more than a woman does when rejected. They are also sensitive in every word that other people tell them. So when you have free time, why don’t you talk with your man on how you love each other and see how your man became “cheesy”.

• Men want to be the biggest, fastest, bestest ever. Looks weird eh? Remember the childhood days where little boys dreamt of being superman or batman? Men are also like that in a way that men want to be every girl’s knight in shining armor. Men always want to gain recognition from their mother, girl friend and the like. Men thinks of ways where he will look a superhero but when all else fail; men make sure that they will not display any act of weakness, instead they show anger. If that will be the case, let him act that way because deep inside, men know their mistake.

• Men like gusty women. In this age, where women are liberal; having a man to does the first move always turn them off? If you still don’t know, men are like girls sometimes. They also like woman who knows how to take the initiative.

• Men don’t like make-up. I know some will react about this but that’s true whether you like it or you like it. Kidding aside, we know that men like looking on girls who wears pretty make-up on their faces. Making them look like walking Barbie dolls. What you didn’t know is, men are trying to analyze your face looking for flaws which you’re trying to hide. Men are more interested on a woman’s natural beauty (it can be inside and out).

• Men don’t like being changed. Let me quote this paragraph from the article that I’ve read. Nothing will explain more than this passage does. This paragraph came from the article 10 Secrets about Men you didn’t know:

“One of men’s greatest fears is not being loved for who they are. They are terrified of being loved for who they could be, which is not quite the same. In fact, it’s an insult. You may be certain that he would look terrific in a tailored suit, but you’re never going to make him think so. And even if you do, you’ll never make him feel more comfortable in an Armani than a pair of jeans. If you start making suggestions about the way a man should dress or behave, he will grow suspicious of you, and why you’re with him in the first place. If you fell in love with him in jeans, leave him in jeans. Changing him threatens the Little Boy. He’ll begin to wonder if he ought to get out of jeans just to keep you loving him – now, that would be a terrible pity, wouldn’t it?”

• Men dislike “the Spot”. It is very easy to understand. Men don’t like being caught in a police interrogation. Men hates being ask several questions on the spot especially when the questions you’re asking will let him lie to avoid hurting someone’s feeling though.

• Men lie with good intentions, too. Just what I said on the latter, men sometimes are forced to lie to avoid someone being hurt. They did such thing not because they want to lie but they are just too sensitive on other’s feeling and needs. They will not tell you something unpleasant if they know that they can still do something about it. They will lie even at their expense than to hurt others.

• Men are more loyal than you think. People say that men are not contented with one girl. They even think that a guy change girlfriend almost every day. That’s why girls think that when a guy courted them, they are just after the scoring or just want them as a past time, worst scenario, a toy. Even though men likes on looking with other girls, they will still come home to the same girl whom they love. Men are more concern about their work and career than fooling around with other girls in the town.

• Men are not all the same. Girls always say that men are all the same especially when a girl had just a break up with her boyfriend. They keep on saying “Pare-parehas lang lahat ng lalaki, papaasahin ka, sasabihing mahal ka pero sa huli lolokohin at iiwan ka lang.” Well, that’s stupid. There are no people in this whole wide universe who have the same DNA make-up! NOT ALL men enjoy playing basketball, NOT ALL men enjoying eating a lot, NOT ALL men enjoy going to the gym to work out, NOT ALL men think about sex all the time. There are lots of things and activities that NOT ALL men are interested. They’re trying hard to be as unique as possible especially for the one they love. So stop saying that men are all the same.

Edit: This article is made for Vanguard Magazine-a project for our Magazine Writing subject.